Dinaluhan ng ilang libong deboto ang kauna-unahang misa ni Pope Leo XIV sa western Uruguay.
Ito ang pagsisimula ng kaniyang 12-araw na paglilibot sa Latin America.
Hinikayat ng Santo Papa ang mga deboto na nagtipon sa Paris London Park sa Paysanduo na magtayo ng tulay at ibahagi ang kasiyahan ng kanilang pananalig.
Mayroong nasa 30,000 na mga katao na mula sa Uruguay at katabing bansa na Argentina at Brazil ang dumalo sa pagtitipon.
Mayroon ng mga dagdag na 10,000 na mga katao ang hindi na nakalapit at nagtipon na lamang sa bahagi ng capital Montevideo.
Ito ang unang bisita ng isang Santo Papa dahil huling bumisita ang Santo Papa noon ay halos apat na dekada na ang nakakalipas.
Pagkatapos nito ay magtutungo ang Santo Papa sa Argentina sa araw ng Linggo bago ito lilipat sa bansang Peru.















