Inaasahaan na magkakakaroon ng pagbabago o rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, kasunod ito ng positibong resulta ng United States midterm elections. Umaasa naman ang Department of Energy na magkakaroon ng resolusyon ang sigalot sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Ayon naman sa kagawaran ang nasabing projection ay base sa naging apat na araw nilang monitoring sa Mean of the Platts Singapore.
Inaasahan ang P14 per liter na rollback sa gasolina, P5 per liter sa diesel, habang P5 per liter naman sa kerosene.
Ang pagpigil ng Iran sa pagpasok at paglalabas ng mga kalakal at produkto sa daanan ng Strait of Hormuz, ang naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, na nagbunsod sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Ang pagkapanalo ng Democrats ang nagbigay ng kapangyarihan na pigilan ang legislation, at maimbestigahan ang administrasyon ni Trump at magkaroon ng impluwensiya sa paglalaan ng badyet ng pamahalaan, kabilang ang badyet ng Pentagon.














