-- Advertisements --

Bagamat nakakaranas ng matinding init ang ilang probinsya sa Pilipinas, naobserbahan ang ‘Andap’ sa mga pananim sa Atok, Benguet sa kabila ng inaasahang banta ng El Niño phenomenon.

Nakita ang andap o ang pagkabalot ng manipis na yelo na tila ba isang kristal sa mga halaman at damo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Adminstration, kasalukuyang umaabot sa 12.6 degrees Celsius ang temperatura sa Benguet.

Ngunit ayon sa state weather bureau, na ang ganitong klima ay kalimitang naitatala lamang sa buwan ng Enero o Pebrero o kaya naman sa panahon ng Northeast Monsoon o Amihan.

Dagdag naman ng PAGASA, na mayroon din namang pagkakataon na nagkakaroon ng andap sa mga halaman ilang linggo bago pa ideklara ang Amihan season. Maaari din aniya itong mangyari sa panahon ng El Niño season.