-- Advertisements --
Binisita ng beteranong singer Bob Dylan si Pope Leo XIV.
Ayon sa Vatican, nagkaroon ng maikli at mabunga ang pag-uusap ng dalawa.
Binigyan ng Santo Papa ng rosary ang 85-anyos na singer-songwriter.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakasalamuha ng singer ang isang Santo Papa.
Noong 1997 kasi siya ang kumanta sa prayer vigil sa Bologna na pinangunahan noon ni Pope John Paul II.
Taong 2016 ng magawaran ng Nobel Prize for literature ang beteranong singer.












