-- Advertisements --

Nailuklok bilang attorney general ng Texas si Nathan Johnson, isang Democrat at dating composer ng musical scores ng sikat na anime series na Dragon Ball Z, matapos magwagi sa katatapos na US midterm elections.

Nakuha ni Johnson ang mayorya ng mga boto sa halos lahat ng southern border districts at pangunahing lungsod sa Texas, laban sa katunggali niyang Republican na si Mayes Middleton.

Ayon kay Johnson, siya ang bumuo ng musical scores para sa 67 episodes at limang pelikula ng Dragon Ball Z. Naging voice actor din siya sa English dubbing ng anime film na Berserk.

Batay sa online database na IMDb, kabilang sa mga production credit ni Johnson ang musika para sa ilang episode at pelikula ng Dragon Ball Z mula 1990 hanggang 2008.

Bukod sa pagiging composer, isa ring litigator si Johnson na may degree sa Physics at Law. Nagsilbi rin siyang state senator ng Texas mula 2019.

Papalitan ni Johnson sa puwesto si outgoing Attorney General Ken Paxton, na hindi na muling tumakbo para sa naturang posisyon. Samantala, natalo rin si Paxton sa karera para sa US Senate seat, kung saan nagwagi ang Democrat na si James Talarico.