-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil V. Zalameda bilang susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano ang naturang appointment nitong Huwebes kung saan papalit si Zalameda kay Chief Justice Alexander Gesmundo na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 6.

Binigyang-diin ni Cayetano na nagdadala si Zalameda ng mahigit tatlong dekada ng natatanging paglilingkod sa sistema ng katarungan, mula sa pagiging opisyal ng korte at pampublikong prosecutor hanggang sa Court of Appeals at Supreme Court.

Ayon sa PCO, kinilala ng Pangulo ang kahalagahan ng may karanasan at may prinsipyong pamumuno upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa hudikatura.

Nagpahayag din ng buong tiwala si Pangulong Marcos na gagampanan ni Zalameda ang kanyang bagong tungkulin nang may integridad, kawalan ng kinikilingan, at matatag na komitment sa rule of law.

Kasabay nito, nagpaabot din ang Palasyo ng pagbati kay Zalameda sa kanyang bagong responsibilidad at ng taos-pusong pasasalamat kay Gesmundo sa kanyang dedikadong paglilingkod sa bansa.