-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Capoocan, Leyte nitong Huwebes, Nobyembre 5, dakong alas-12:14 ng madaling araw.
Naitala ang lindol sa lalim na 10 kilometro sa ilalim ng lupa.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang karatig-lugar.
- Intensity V – Leyte, Leyte
- Intensity III – Naval, Biliran; Villaba, Leyte
- Intensity II – Kawayan, Biliran; Ormoc City, Leyte; San Roque, Northern Samar
- Intensity I – Alangalang, Leyte; Mapanas, Northern Samar; Villareal, Samar













