-- Advertisements --

Nakatakdang dalhin ni US First Lady Melania Trump sa White House ang kinatawan ng Russia at Ukraine.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng anunsiyo ng US First Lady na kaniyang inayos ang ceasefire sa lungsod ng Oleshky noong nakaraang buwan.

Sinabi ng White House na ang gagawin na ito na US First Lady ay sarili niyang inisyatibo.

Magugunitang noong Oktubre 23 ng ianunisyo ni Trump ang ipinatupad nitong localized ceasefire para maisagawa ang makataong evacuation sa mga resident mula sa Oleshky.

Dahil dito ay ilang mga katao na ang nakabalik sa kanilang bansa sa Ukraine.