Aabot sa 172,654 na mga bagong laptops na nagkakahalaga ng P7.4 billion ang nakatakdang ipamahagi ng Department of Education para sa public school teachers at administrative personnel.
Ang pagbili ng mga laptops ng kagawaran ay parte ng hakbangin ng gobyerno upang ihanda ang mga guro sa paggamit digital tools.
Samantala nakatakda namang ipamahagi ang mga laptop mula Nobyembre hanggang sa Marso sa susunod na taon.
Ayon pa sa DepEd, nabili ang mga gadget sa halagang P43,000 lamang, anim na libong pisong mas mababa kaysa sa suggested retail price ng model na P49,000 per unit sa Pilipinas.
Kasama rin sa package ang limang taong warranty, mas mahaba kumpara sa standard one-year retail warranty nito. Kasama rin sa laptop ang built-in productivity tools at delivery at logistics.
Magbabahagi rin ang Department of Education ng 3,646 units sa mga administrative officer ng bawat paaralan.
Nakipag-ugnayan na rin ang Department of Education sa ilang advance technological company upang mabigyan ng formal training ang mga guro sa pagpapaigting ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo.













