-- Advertisements --
Tiwala ang Qatar na magkakaroon ng magandang kasunduan ang US at Iran para tuluyang matigil na ang giyera sa dalawang bansa.
Ayon kay Qatari Foreign Ministry spokesperson Majed al-Ansari , na kasama nila ang mga ibang bansa at international partners para mamagitan sa dalawang bansa.
Nakita rin nito na tumutugon ang dalawang bansa at nais din nila na magkaroon ng magandang kasunduan.
Magugunitang ilang mga kondisyon ang inilatag ng Iran para magkaroon ng tuluyang pagtigil ng giyera at pagbubukas na ng Strait of Hormuz.
Kasama na dito ang tuluyang pagtigil ng pag-atake ng US at Israel sa kanila ganun ang pagtanggal na ng sanctions sa kanila.














