-- Advertisements --
Inilipat sa ibang lugar ang ilang polling precints sa Florida dahil sa banta ng sama ng panahon.
Sinabi ni Brevard County Supervisor of Elections Tim Bobanic na ang mga lugar na inilipat ay kinabibilangan ng Brevard, Highlands, Indian River, Martin, Okeechobee, Palm Beach at St. Lucie Counties.
Dagdag pa nito na kaya sila nagpasya na ilipat ang mga lugar ay para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga election workers at botante.
Napapaloob din sa kanilang batas kasi na maaring ilipat ang lugar ng pagbobotohan kapag mayroong sama ng panahon.
Una ng nagdeklara ng state of emergency si Florida Governor Ron DeSantis dhail sa banta ng malakas ng bagyo.















