-- Advertisements --

Kabilang sa mga may mataas na presyo o service fee ang pagpapalibing, cremation, o pagbili ng isang columbarium niche sa Pilipinas.

Batay sa average na price, nasa P15,000 hanggang P20,000 ang gastusin sa pagpapa-cremate sa isang bangkay.

Ito ay depende pa sa lokasyon kung saan isasagawa ang naturang proseso dahil kadalasang malaki rin ang pagkakaiba ng halaga nito sa probinsiya kumpara sa kung isasagawa ito sa Metro Manila at sa mas malalaking syudad sa bansa..

Aabot naman sa P80,000 hanggang P245,000 ang presyo ng isang columbarium niche, depende pa rin sa lokasyon.

Kadalasan ding mas mataas ang itinatakdang presyo sa mga niche na eye-level ang puwesto.

Ang isang niche ay karaniwang maaaring paglagyan ng hanggang apat na cremated remains o apat na mga labi.

Sa kabilang banda, tinatayang aabot mula P80,000 hanggang P500,000 ang gastos sa traditional burial o full-body burial.

Kadalasan ding mas mahal ang cemetery lots o lupa sa mga sementeryo sa Metro Manila dahil limitado ang available na espasyo, kumpara sa mga sementeryong nasa probinsiya.