-- Advertisements --

Nakakuha na ang warrant ang Philipipne National Police (PNP ) para suriin ang mga gamit na nakuha sa dating bahay ng US film director na si Thomas Markle ang ama ni Duchess of Sussex.

Nitong mga nakaraang buwan ay nakakuha ang mga otoridad ng ilang daang larawan ng mga batang inabusong sekswal na galing umano sa 82-anyos na si Markle.

Ang apat na kahon na mga kagamitan naglalaman ng mga computers, telepono, hard drives at lumang mga videotapes ay ipinasakamay ng mga kapulisan sa kapatid sa labas na lalaki ni Meghan na si Thomas Markle Jr.

Subalit kinailangan ng mga otoridad sa Cebu ng court orders para masuri ang mga kagamitan.

Kailangan munang suriing mabuti ng mga otoridad ang mga gamit kung paano ito nasa kustodiya ni Markle Sr. bago sila magsampa ng kaso.

Mariing itinanggi ni Markle Sr ang alegasyon na ngayon ay nasa US.

Sinabi ng Cebu Regional Prosecutor Graeme Elmido, na desidido si Thomas Jr na imbestigahan ang ama at dapat umano itong managot.

Magugunitang noong sumulat sa Metropolitan Police ang dating asawa ni Markle Sr na si Roslyn Loveless na imbestigahan ang alegasyon mula pa noong 2019.

Pumanaw na si Loveless ang unang asawa ni Markle Sr na mayroong unang dalawang anak bago magpakasal sa ina ni Meghan.

Mula pa noong 2018 ay hindi na naging maganda ang relasyon ng Duchess of Sussex kay Markle Sr dahil sa umanoy pang-aabuso nito sa mga kababaihan.

Nanirahan sa Pilipinas si Markle Sr noong nakaraang taon at bumalik sa US noong Mayo na nasa rehabilitation center sa Florida matapos na putulin ang kaniyang paa.