Ikinalugod ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paglabas ng desisyon ng korte na pinapatawan ng hatol na habambuhay na pagkakulong laban sa isang babaeng Thailand national dahil sa pagbibitbit ng iligal na droga.
Sa 14- na pahinang desisyon mula sa Regional Tiral Court Branch 116 ng PasayCity, ay napatunayang guilty si Sirirut Taweesup ng paglabag ng Section 4 (Importation of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bukod sa pagpataw ng habambuhay na pagkakakulong ay pinagbabayad din siya ng korte ng P2 milyon.
Kabilang din dito ay napatunayan siyang guilty sa paglabag sa Section 1401 (e) in relation to Section 119 (d) of Republic Act No. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act kung saan pinatawan siya ng Indeterminate penalty ng pagkakakulong ng walong taon at isang araw bilang minimum at 12 years bilang maximum at pagbabayad ng P5 milyon.
Naaresto ang suspek noong Agosto 14, 2024 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) matapos na dumating sa bansa ito mula sa Samut Prakan Province sa Thailand at nakita sa kaniyang kustodiya ang 13,169 gramo ng pinatuyong dahon ng cannabis na may halagang aabot sa P18,436,600.
Sinabi ni PDEA Director General Isagani R Nerez na ang desisyon na ito ng korte ay isang resulta ng kanilang walang pagod na pagpapanagot sa mga nagtatangkang magpuslit ng iligal na droga sa bansa dahil ang mga drug-couriers ay may malaking papel sa cross-border movements ng mga iligal na droga sa bansa.
Ipinapakita rin dito na hindi nasasayang ang mga paghihirap ng mga otoridad para tuluyang masawata ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa.
Natitiyak ni Nerez na lalong pinaigting ang kanilang kampanya laban sa iligal na pagtutulak ng droga ganun din ang pagpapalakas nila ng border security para walang makapasok na droga sa bansa at maprotektahan ang mga Filipino laban sa negatibong epekto ng ipinagbabawal na gamot.















