Dumating na sa Mactan Expo sa Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu ang iba’t ibang defense secretaries at ministers mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa pagbubukas ng ika-20 ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) 2026.
Sa ulat ng Bombo Radyo Cebu, personal na sinalubong ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. si ASEAN Secretary-General H.E. Dr. Kao Kim Hourn kasama ang mga delegado mula sa mga kasaping bansa.
Tampok sa mga pangunahing kaganapan ang mga talakayan sa pagitan ng 11 bansang kasapi ng samahan, gayundin ang ADMM-Plus meetings kasama ang mga partner nations tulad ng Japan, United States, Australia, India, New Zealand, at Russia.
Kinumpirma naman ng China na ang kanilang Defense Attaché lamang ang dadalo sa ADMM-Plus bukas, Oktubre 29, na itinuturing ng ilan bilang pinakamababang antas ng kanilang pakikilahok simula noong 2010.
Samantala, inaasahan ang pagdating ngayong hapon sa Cebu ni US Defense Secretary Pete Hegseth upang pormal na lumahok sa mga nakatakdang pulong.
Pangunahing tatalakayin sa dalawang araw na pagtitipon ang pagpapalakas ng seguridad at kooperasyon sa depensa sa Timog-Silangang Asya, lalo na ang pagtugon sa mga banta sa rehiyon at ang patuloy na usapin sa West Philippine Sea.
















