Inabot ng overtime ang naging bakbakan sa pagitan ng Boston Celtics at winless team na Brooklyn Nets ngayong Oct. 28, dala ng matinding depensa sa pagitan ng dalawang team.
Hinabol ng Brooklyn ang 4-point, 4th-quarter deficit at itinabla ang laban sa 117 sa pagtatapos ng 4th quarter upang dalhin ang laban sa OT
Hindi pa rin naging madali ang laban matapos dalhin ng Nets ang dapat sana’y winning score sa 124-123, ilang segundo lamang bago matapos ang laban, ngunit sinorpresa sila ng batikang Boston forward na si Jason Tatum.
Nagpasok si Tatum ng 17-foot jumper sa huling segundo upang ipabulsa sa Celtics ang panalo, 125-124.
Sa pagtatapos ng laban, hawak ni Tatum ang 40 points, 9 rebounds, at dalawang steal, habang 20 points naman ang ambag ni Paul George, kasama ang pitong assists at pitong rebounds.
Nanguna naman sa magandang performance ng Nets ang batikang forward na si Michael Porter Jr. na kumamada ng 27 points at 12 rebounds, kasama ang dalawang block, habang 24 points at siyam na rebounds ang kontribusyon ng kaniyang kapwa forward na si Julius Randle.
Bagaman hindi nagkakalayo ang overall shooting percentage ng dalawa (42-45%), naging malaking kalamangan ng Celtics ang 38 free throws na iginawad ng mga referee. Sa naturang bilang, 30 ang naipasok ng koponan.
Tanging 17 lamang ang sagot ng Nets na nananatiling winless (0-4).
Hawak na ng Celtics ang 3-1 na kartada.















