-- Advertisements --

Naglaan ng ₱1.3 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong magtuturo sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek kaugnay sa pagpatay sa brodkaster na si Adrian Loterte noong Oktubre 12 sa Daraga, Albay.

Matatandaang si Loterte, na anchor ng isang online program at freelance broadcaster ay binaril ng dalawang lalaki habang siya ay abala sa kaniyang panaderya sa Barangay San Roque, Daraga, Albay.

Bumuo ang pulisya sa Bicol ng isang Special Investigation Task Group upang tipunin ang mga impormasyong nakalap at pag-ugnayin ang mga imbestigasyong may kaugnayan sa forensic examination at cybercrime.

Sinusuri rin ng mga imbestigador ang mga kuha mula sa dashcam. Tinitingnan din nila ang cellphone ni Loterte upang alamin kung may mga banta o mensaheng maaaring mag-ugnay sa pagpatay sa kaniya.

Ang pabuyang P1.3 milyong ay mula kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Joey Salceda, Albay Gov. Noel Rosal, Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. and Legazpi City Mayor Hisham Ismail.