-- Advertisements --
Dumepensa ang Philippine Air Force (PAF) sa naging puna na luma na ang SF-260 training aircraft matapos ang nangyaring aksidente sa himpapawid sa Lipa, Batangas.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Alvin Jay Capinguian na ang nasabing mga eroplano ay bago itong binili noong taong 2010 hanggang 2011 at mayroon pang ilang taon na serbisyong natitira.
Paliwanag nito na ang operational capability ng isang eroplano ay kanilang pinag-aaralan base sa nakumpletong operating hours at hindi sa tagal nito.
Dahil sa nangyaring aksidente ay nananatiling grounded ang 15 iba pang SF-260 aircraft.
Magugunitang apat na piloto ang nasawi matapos na magbanggaan sa ere ang dalawang eroplano.
















