-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.20 na pagtaas sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong P0.30 na bawas sa kada litro ng gasolina at P0.50 na pagtaas sa kada litro ng kerosene.

Isa sa mga dahilan ng Department of Energy sa nasabing dagdag-bawas sa presyo ng produktong langis ay ang patuloy na kaguluhan sa gitnang silangan.