-- Advertisements --

Nanawagan si Iranian President Masoud Pezeshkian sa mga Muslim na mga bansa na palakasin ang kanilang ugnayan para labanan ang panunupil ng Israel at US.

Naniniwala kasi ito na nais ng US at Isrrael na magkawatak-watak ang mga bansa sa Gitnang Silangan.

Ito ang naging bahagi ng panawagan ng Iranian President ng makaharap ang defense minister ng Saudi Arabia, army chief ng Pakistan at intelligence chief ng Turkey.

Handa umano ang Iran sa suporta para mapalakas ang pagkakaisa, seguridad at pagkakakasyos sa mga Muslim nations.
Kaniya ding kinokondina ang mga pag-atake ng Israel sa Gaza, Lebanon, Iran at ibang bahagi ng rehiyon.

Iginiit nito na hindi ito humhiling ng mga nuclear weaporns subalit mayroon itong karapatan para sa pagsulong ng mapayapang nuclear activities sa ilalim ng Nuclear Non-Proliferation Treaty.