-- Advertisements --

Nagbigay ng options si US President Donald Trump para tuluyang matapos ang giyera sa Iran.

Sinabi nito na maaring magkaroon ng panibagong pag-atake sa Iran o maari na ring magkaroon ng kasunduan.

Hindi naman na binanggit pa ng US President ang petsa ng umano’y pag-atake sa Iran.

Dagdag pa nito na ang kasunduan sa Iran ay siyang magandang paraan para tuluyang matapos na ang giyera.

Hindi naman nito tiyak kung papayag ang Iran na makipagkasundo sa kanila.

Magugunitang sinabi ni Trump noong nakaraang araw na maaring maulit muli ang ginawa nilang matinding pag-atake sa Iran.