-- Advertisements --

Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) at ng Avante Agri-Products Philippines Inc. sa Davao City ang pagpapadala ng dalawang container ng sariwang buko patungong Liberia sa West Africa para sa isang humanitarian project.

Umabot sa kabuuang 50 metric tons o 32,000 piraso ng sariwang buko ang ipinadala gamit ang dalawang 40-foot refrigerated container, na may kabuuang halaga na USD22,400.

Bawat container ay naglalaman ng 16,000 na buko na maingat na nakabalot sa 800 na sako, kung saan may tig-20 piraso bawat sako.

Ang mga bukong ito ay ipinamamahagi bilang donasyon sa mga liblib na komunidad sa Liberia para suportahan ang kanilang mga feeding program at magbigay ng tulong sa mga pamilya roon.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., malaking tulong ang proyektong ito para maipakita ang kalidad ng produktong Pilipino habang tinutulungan ang ating mga lokal na magsasaka ng niyog.