-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naging matagumpay ang ginawa nilang rotation and resupply (RORE) mission sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni AFP spokesperson for the West Philippine Sea, na walang naging aberya sa nasabing mission gaya ng pagkakaroon ng presensiya ng mga barko ng China.

Ang nasabing misyon ay bahagi ng regular na military activities para sa rotation ng mga personnel at mabigyan silang ng kaukulang supplies.

Giit nito na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawa at hindi na kailangan pa na ipaalama sa China.

Una kasing inihayag ng China Coast Guard (CCG) na nagpaalam umano ang AFP sa kanila para magbigay ng suplay sa grounded vessel sa Ayungin Shoal.