Bahagyang lumakas ang Bagyong ‘Rosal’ habang patuloy na kumikilos hilagang-hilagang-kanluran sa karagatan sa silangan ng Taiwan, kung saan huling natagpuan ang sentro nito sa layong 385 kilometro hilagang-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay ngayon ng bagyo ang maximum sustained winds na 155 km/h malapit sa sentro at gustiness na umaabot sa 190 km/h habang kumikilos sa bilis na 20 km/h.
Dahil sa patuloy na epekto at banta ng bagyo, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa buong lalawigan ng Batanes.
Nakataas naman ang Signal No. 1 sa hilagang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands, pati na rin sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte at Apayao.
Patuloy na pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga residenteng nasa sa mga affected areas laban sa panganib ng malalakas na hangin at matitinding pag-ulan.













