-- Advertisements --

Nanawagan ang makabayan bloc sa House of Reps na bawiin at rebisahin ang bersiyon nito ng panukalang 2027 National budget, dahil nananatili umano rito ang mga mekanismong kahalintulad ng mga probisyong idineklarang unconstitutional ng supreme court sa mga nakaraang budget law.

Kabilang umano sa mga kuwestiyonableng alokasyon ang P50 bilyong AFP modernization fund, malalaking lump-sum funds para sa mga lokal na pamahalaan, at paglilipat ng pondo sa unprogrammed appropriations.

Mahigit 6,000 ring bagong Public Works projects ang naidagdag sa pamamagitan ng tinawag na institutional amendments, nang hindi inilalahad nang paisa-isa ang mga proyekto.

Nagbabala naman si Kabataan Rep. Renee Co na nananatili ang panganib ng korapsyon sa iba’t ibang infrastructure projects, kabilang ang multipurpose buildings, farm-to-market roads at mga silid-aralan.

Hiniling din ni Gabriela Partylist ang imbestigasyon sa national farm-to-market roads network plan dahil sa mga alegasyon ng ghost projects at overpricing.

Nanawagan din ang Makabayan sa Ombudsman at Commission on Audit na imbestigahan ang mga opisyal na posibleng managot sa mga probisyong labag sa konstitusyon.

Samantala, pinabulaanan naman ng Palasyo ang interpretasyon ng makabayan bloc na maaaring managot ang pangulo, at sinabing hindi umano ito nakasaad sa desisyon ng SC. Kung hindi babawiin ng kamara ang panukala, hinimok ni tinio ang Senado o bicameral conference committee na itama ang mga kuwestiyonableng probisyon.