Binigyang-diin ni University of the Philippines Resilience institute Executive Director Mahar Lagmay na dapat ibatay sa siyentipikong pagtataya at historical data ang paghahanda ng mga awtoridad sa El niño upang makabuo ng angkop na mga hakbang laban sa posibleng epekto nito.
Mahalaga umanong ang mga ulat sa Weather bureau, kasama ang iba pang impormasyon at datos mula sa mga nakaraang pangyayari, upang mas maagang matukoy ang mga posibleng panganib at mapaghandaan ang mga ito.
Sinabi niya ito kasunod ng paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng UP at Metropolitan Manila Development Authority noong Oktubre 21.
Hinimok din niya ang publiko na sundin ang siyentipikong payo at magtipid sa tubig, kabilang ang pagbabawas ng konsumo sa pang-araw-araw na gawain at pag-iipon ng tubig-ulan para sa pagdidilig ng halaman at pag-flush ng inidoro.
Kaisa ni lagmay si MMDA chairperson Don Artes sa panawagan ng pakikiisa ng publiko.
Ayon kay Artes, kung bawat sambahayan ay mag-iipon kahit dalawa o tatlong timba ng tubig-ulan, makatutulong ito na mabawasan ang paggamit ng suplay ng tubig mula sa mga concessionaire habang naghahanda ang bansa sa posibleng epekto ng El Niño.















