-- Advertisements --

Naiulat ang pagkasawi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos ang isang intercepted drone attack sa isang oil field facility sa Dammam, Saudi Arabia, pagkukumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes, Oktubre 22.

Ayon sa energy ministry ng Saudi Arabia, pinabagsak ng air defense ng Saudi ang isang drone na nagtatangkang targetin ang isang pasilidad ng oil field sa Saudi Aramco’s Shaybah ngunit ikinamatay ng isang OFW ang debris mula sa nasabing depensa.

“The attempted attack resulted in the deaths of two residents, one Filipino and one Nepali, and injuries to two residents, one Pakistani and one Indian due to falling debris following the interception,” ayon dito.

Samantala, patuloy namang nakaantabay ang DMW sa mga ulat ng pag-atake sa Dammam katuwang ang pamahalaan ng bansa at ang awtoridad ng Saudi upang tukuyin kung may iba pang mga apektadong OFW sa insidente.

“We are closely monitoring the situation and awaiting further reports from our counterparts on the ground. We are praying that no Filipino will be harmed and that it will remain that way,” ani ng DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac.

Hinimok naman ng kalihim ang mga Pilipino sa Saudi Arabia, maging sa ibang bahagi ng Middle East, na sumunod sa lokal na awtoridad, manatiling alerto at napapanahon sa mga opisyal na direktiba mula sa bansa at mga host-country authorities.

Inabisuhan din ng ahensiya ang mga OFWs na umiwas sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng mga pag-atake, tulad ng mga military installations at oil facilities. Pinaalalahanan din nito na suriing maigi ang flight schedules bago bumyahe maging sa pag-iwas sa pagkuha ng mga larawan at video ng mga insidenteng may kinalaman sa seguridad ng bansa ng Saudi.