Nagsagawa ng ‘rally’ ang ilang grupo ng Bangsamoro sa bahagi ng Mendiola ngayong araw upang ipanawanagan ang patungkol sa ‘Al Haj Murad led Rainbow Parties Coalition’.
Kanilang hinimok si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo na suportahan ang naturang ‘political arrangement’.
Nais umano ng Bangsamoro Inter-Religious Leaders for Inclusive Governance (BIRLIG) katuwang ang Save Bangsamoro Movement na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Maliban pa rito’y layon sa naturang demontrasyon o rally na maitulak ang pagkakaisa at maproteksyunan ang Comprehensive Agreement in Bangsamoro (CAB).
Naniniwala ang mga grupo sa kahalagahan ng inklusibong pulitikal na pamumuno sa nagkakaisang pagbuo ng regular nang Bagsamoro government.
Kaya’t panawagan nila ang pagtutulungan ng bawat isa para mapangalagaan ang mga kasunduan at prinsipyong itinayugod sa ilalim ng Comprehensive Agreement in Bangsamoro (CAB).













