Opisyal nang inumpisahan ng Judicial and Bar Council ang ‘public interviews’ para sa mga kandidato ng pagka-Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Mga alas-nueve ng umaga nang simulan ng konseho ang naturang ‘public interviews’ kung saan sasalang ang ‘first batch’ ng mga kandidato.
Unang sumalang si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa pag-usisa o pagtatanong ng panel of interviewers.
Sa kanyang naging pambungad na pahayag, naniniwala siyang ang isang Chief Justice ay dapat ‘independent’, may matibay na pamumuno, respeto at hindi basta titulo, at epektibong administrasyon.
Ngayong tanghali naman ay nakaskedyul na sumalang si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa habang ang iba nama’y sa ika-26 ng Oktubre.
Ngayong araw, binubuo ang panel of interviewers nina Department of Justice Secretary Fredderick Vida, Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan, Batangas 2nd Dist. Rep. Gerville Luistro, retire Associate Justice Jose Catral Mendoza at iba pa.
Ang isinasagawang public interviews ay alinsunod sa nalalapit ng pagreretiro ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa ika-6 ng Nobyembre 2026.













