-- Advertisements --

Sa pagdinig ng Senado ngayong araw, Oktubre 21, para sa panukalang Budget ng Department of Agriculture at ng mga attached agencies and corporations para sa taong 2027, binigyang-din ni Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, na bigyang-prayoridad ang tubig at irigasyon sa panukalang budget ng naturang ahensiya, upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig at pagpapalakas ng mga pasilidad sa irigasyon.

Gayundin ang agarang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda na aniya’y, ngayon pa lang ay talagang apektado na dito sa banta ng matinding El Niño na posibleng makaapekto sa produksyon ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka.

Bukod sa paghahanda sa El Niño, nais ding busisiin ni Pangilinan ang paggamit ng pondo ng ahensya ngayong 2026, kabilang ang mga pondong hindi pa nagagamit, gayundin ang problema sa agriculture smuggling.

Kabilang din ang epekto sa gastos sa produksiyon at presyo ng mga produktong agrikultural, dahil sa patuloy na kaguluhan sa Middle East, partikular ang tensiyon na kinasasangkutan ng Iran, United States at Israel.