-- Advertisements --

Bahagyang lumakas ang Super Typhoon Rosal habang patuloy na kumikilos West Northwestward sa ibabaw ng Philippine Sea sa silangan ng Central Luzon.

Batay sa lahat ng available data, ang center ng eye ng bagyo ay huling natukoy sa layong 1,270 kilometro sa silangan ng Central Luzon.

Taglay na ngayon ng bagyo ang maximum sustained winds na 195 kilometro kada oras malapit sa center at may gustiness na umaabot sa 240 kilometro kada oras.

Kasalukuyang kumikilos ang Super Typhoon Rosal sa bilis na 25 kilometro kada oras habang tinatahak ang direksyong West Northwestward.

Dahil dito, nakataas na ang Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud), hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Ballesteros, Abulug, Allacapan), hilagang-silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan), at hilagang-silangang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).