Isasailalim muli ang Visayas grid sa red at yellow alert status ngayong Martes, October 20, dahil sa kakulangan sa power plants ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
Ayon sa inilabas na advisory, makakaranas ng red alert ang Visayas mula 5 p.m hanggang 6 p.m. Yellow alert naman mamayang 3 p.m hanggang 5 p.m at 6 p.m hanggang 8.pm
Sa inilabas na anunsyo ng NGCP, nakakaranas ng kakulangan ng supply ang Visayas grid at ang available capacity lamang ay 2,468 MW.
Ilan sa mga rason kung bakit nahaharap sa red at yellow alert ang Visayas grid ay dahil sa hindi hindi nagkakaroon ng operasyon ang malalaking planta ng kuryente tulad ng PEDC 3 at KSPC 1.
Ayon din sa NGCP, limang planta ng kuryente ang pansamantalang hindi umaandar noong Oktubre, apat noong Setyembre, tatlong planta noong Agosto, at isang planta ang hindi gumagana noong Hunyo.
Itinataas red alert ang status ng kuryente, kapag hindi sapat ang supply na naibibigay nitong demand sa consumer.
Samantala, itinataas naman ang yellow alert, kung hindi sumasapat ang reserbang suplay ng kuryente upang matugunan ang kinakailangang reserba para sa mga posibleng aberya sa transmission grid.












