-- Advertisements --

Nasa tatlong Pilipinong green card holders sa California ang pormal na sinampahan ng kasong may kaugnayan sa ilegal na pagboto sa ilalim ng “Operation Protect the Vote” ng US Department of Justice.

Batay sa pagsusuri ng mga imbestigador, nagparehistro at bumoto ang tatlo noong November 2024 general election kahit hindi sila kwalipikadong mga mamamayang Amerikano.

Bukod sa kasong voting by a noncitizen, inakusahan din sina Amaro at Line ng pagbibigay ng mga maling pahayag tungkol sa kanilang citizenship habang isinasagawa ang kanilang mga naturalization interview.

Ang malawakang operasyong ito ng pamahalaang pederal ay kasunod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Trump administration at ng mga opisyal ng estado ng California hinggil sa voter eligibility para sa nalalapit na midterm elections.