Sinigurado ng Malacañang nitong Lunes, Oktubre 19, ang kahandaan nitong magbigay-tulong para matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino worker sa Europe kaugnay ng kaliwa’t kanang kaguluhan dito.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nakabantay si President Ferdinand Marcos Jr. sa mga kasalukuyang kaganapan sa rehiyon at preparadong magbigay-tulong sa mga OFWs na maaapektuhan nito.
“When there are incidents like this, the President first orders the concerned agencies to look into the situation and attend to the needs of our fellow Filipinos in affected areas,” wika ni Castro sa Palace press briefing.
Dagdag pa nito, nakaalalay rin sa pagbabantay si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac lalo na sa sitwasyon sa Milan, Italy.
“Whatever the situation may be, the first thing the government protects is the lives and safety of our people,” pagtitiyak ni Castro.
Samantala, umaasa naman ang Palasyo na hindi maaapektuhan ng kaguluhan sa Europe, partikular na sa France at Italy, ang nakatakdang pagdalo ng mga kinatawan nito sa darating na ASEAN Summit sa Manila sa Nobyembre.
Nitong mga nagdaang ligo, nagkasa ng malawakang protesta sa France, Italy, Portugal, at Belgium hinggil sa krisis sa edukasyon, pabahay, inflation, at maging sa pagtuligsa nito sa pamamalakad ng kanilang gobyerno.














