Iginiit ni Former Dean of the FEU institue of law, Atty Mel Sta. Maria, na walang obligasyon ang prosecution team na bigyan si Vice President Sara Duterte ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang panig sa Articles of Impeachment I at IV, matapos kuwestiyunin ng ilan ang pag-atras sa dalawang artikulo.
Ayon kay Sta. Maria, adversarial proceeding ang impeachment trial, kaya tungkulin ng prosecution na ihain ang kanilang kaso at hangarin ang conviction, hindi bigyan ang depensa ng pagkakataon para sa pampublikong pagpapaliwanag o political messaging.
Dagdag niya, maaaring mapabilis ng pagbabawas ng mga pagdinig ang proseso, mapababa ang gastos at mabigyang-daan ang Senado na maipagpatuloy ang iba pang gawaing pambatas.
Binigyang-diin din ni Sta. Maria na pareho ang bigat ng conviction kahit isa o lahat ng apat na articles ang mapatunayan. Aniya, nakinabang pa ang depensa sa pag-atras sa dalawang artikulo dahil nabawasan ang mga alegasyong kailangan nitong sagutin nang hindi na kailangang magharap ng karagdagang ebidensiya.















