-- Advertisements --
Kinansela ng Philippine Airlines ang kanilang mga flight tungo at mula Riyadh, Saudi Arabia hanggang katapusan ng Nobyembre ngayong taon bunsod ng mga pag-atakeng naitala sa King Khalid International Airport.
Ang flight PR654 at PR655 ay mananatiling suspendido hanggang Nobyembre 29 nitong taon ayon sa inilabas na abiso ng airline company nitong Lunes, Oktubre 12.
Dagdag pa nito, patuloy rin ang airline sa pag-monitor ng kalagayan ng operasyon at seguridad ng kanilang mga flight.
Kaugnay ito ng mga ulat ng pag-atake sa King Khalid International Airport kung saan apat na Pilipino ang nauwing sugatan mula sa insidente.













