-- Advertisements --

Ibinabala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy hanggang 2028 Elections ang ginagawang foreign and domestic malign activities ng China sa bansa.

Ayon kay AFP spokesperson for the WPS Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, na kasama rin dito ang agresibong hakbang ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Inihalimbawa nito ang patuloy na presensiya ng barko ng China sa Bajo de Masinloc atn ang ilang insidente ng pagkakasagupa ng Philippine Coast Guard sa barko ng China.

Natitiyak naman nito na maninidigan ang AFP sa pagtanggol ng soberanya ng bansa.

Hinikayat din nito ang publiko na maging mapanuri at maingat sa mga inilalabas na mga impormasyon ng China lalo sa usapin ng West Philippine Sea.