-- Advertisements --
Pumanaw na ang American comedian na si Reggie McFadden sa edad na 57.
Kinumpirma ng kapatid nito ng si Bernice ang pagpanaw ng aktor habang nasa Tanzania.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye o sanhi ng kamatayan nito.
Nasa mahigit 18 taon itong lumipat sa Tanzania matapos na magkaroong ng alitan sa pamilya nito.
Isinilang at lumaki siya sa Brooklyn, New York kung saan naging stand-up comedian.
Nagsimula itong maging comedian sa TV show na “Def Comedy Jam”.
Lumipat ito sa Los Angeles para ipursige ang kaniyang acting roles kung saan lumabas ito sa mga tv shows gaya ng “Martin” , “Hangin’ With Mr. Coooper” , “Moesha” at “Coach”.
Nakasama rin ito sa ilang pelikula gaya ng “Jacob’s Ladder” at “Little Nicky”.
















