Umabot sa 1,499 katao ang nabigyan na ng psychosocial support ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos ang insidente sa Banga National High School sa South Cotabato noong Setyembre 18.
Kabilang sa mga nabigyan ng Psychological First Aid ang mga estudyante at kanilang mga magulang.
Nagpadala rin ang DSWD ng 13 personnel mula sa Protective Services Bureau bilang augmentation support sa Field Office XII para tumulong sa mga estudyante, pamilya at guro na naapektuhan ng insidente.
Bukod sa psychosocial assistance, naglaan din ang ahensya ng 150 libong pisong cash assistance, mahigit 103 libong pisong Guarantee Letter para sa hospital bills at 153,500 pisong burial assistance para sa mga apektadong pamilya.
Ayon sa ahensya, magpapatuloy ang psychosocial at iba pang interventions upang matulungan ang mga apektado na makayanan ang epekto ng insidente at makabalik sa normal na pamumuhay.
















