-- Advertisements --
Mas hinigpitan na ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng batas trapiko.
Sinabi ni LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao, na plano nilang ipatupad ang one-strike policy sa mga drivers na bumabalewala sa mga pedestrian lane.
Dagdag pa nito na ang mga drivers na mapatunayang lumabag nito ay kanilang tatanggalan agad ng drivers license.
Aminado ang opisyal na maraming mga nasasawi kahit na ang mga ito ay tumatawid sa tamang tawiran dahil sa walang disiplina ang mga drivers.
Naniniwala si Lacanilao na kapag maipatupad na ito ay maraming mga drivers ang susunod na sa batas trapiko.
















