-- Advertisements --

Muling ipatutupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang piling lungsod sa buong Metro Manila upang mas mapahigpit ang pagpapatupad ng mga batas-trapiko.

Nakabatay ang muling pagpapairal ng naturang sistema sa probisyon ng Metro Manila Traffic Code of 2023.

Layunin ng nasabing probisyon na magkaroon ng mas uniform at iisang framework para sa mas maayos na traffic enforcement sa buong kalakhang Maynila.

Sa ilalim ng NCAP, gagamit ang mga lokal na pamahalaan at MMDA ng mga high-resolution camera upang huliin at pagmultahin ang mga violator nang hindi na kailangang pisikal na harangin ng traffic enforcer sa kalsada.

Inaasahang makatutulong ang muling pagbabalik ng policy upang mabawasan ang panggagipit sa kalsada at mapabilis ang daloy ng trapiko sa pangunahing mga lansangan.