-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo ngayong araw.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P7.57 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong P0.24 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Samantala mayroong P5.85 na bawas naman sa kada litro ng kerosene.

Inaasahan naman ng Department of Energy (DOE) na tuluyan ng bababa ang presyo ng produktong langis kapag nagkaroon ng magandang resulta ang pag-uusap ng US at Iran.