-- Advertisements --

Pinagbigyan ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang kahilingan ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na ilipat ang araw ng kaniyang pagharap sa Senate impeachment court sa Setyembre 29 at 30 sa halip na ngayong Lunes, Setyembre 28.

Sa isang liham na ipinadala ngayong araw, ipinaliwanag ni Mayor Duterte na kailangan niya ng karagdagang oras upang makapangalap, makapag-ayos, at makapagkopya ng mga kinakailangang dokumento na nakasaad sa kanyang subpoena.

Inihayag ni Escudero na ang mga pinalitang petsa ay nakapaloob na sa naunang subpoena na ipinalabas ng hukuman, kaya hindi na kinakailangan pang maglabas ng bago.

Isinagawa ang pagbabago ng schedule habang tinatalakay ng impeachment court ang Article II ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ukol sa umano’y hindi maipaliwanag na kayamanan, maling SALN, at patuloy na interes sa negosyo.

Inaasahan din ng House prosecution panel na magbibigay ng testimonya si Mayor Baste Duterte hinggil sa GenCorp Industries Inc., isang kumpanyang iniuugnay sa kanyang kapatid na Bise Presidente.