-- Advertisements --

Patuloy na minomonitor ng weather state bureau ang Bagyong Queenie, na may international name na Surigae, batay sa pinakahuling monitoring nito alas-8:00 ng umaga ngayong Linggo, Setyembre 27.

Huling namataan ang bagyo sa layong 725km Norteast of Itbayat, Batanes Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 150 km/h, habang umaabot naman sa 185km/h ang bugso ng hangin.

Kumikilos ang Bagyong Queenie patungong North northeastward o hilagang-hilagang-silangan sa bilis na 10km/h.

Ayon sa weather bureau, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw Linggo.

Paglabas nito ng PAR, inaasahang bibilis ang paggalaw ng bagyo patungong northeastward sa karagatan sa timog ng mainland Japan.