Nagtapos na ang tatlong araw nas state visit ni Chinese President Xi Jinping sa US.
Itinuturing ni US President Donald Trump na naging mabunga ang kanilang pagpupulong.
Kabilang sa mga tinalakay ng dalawang lider ay ang kahalagahan ng Artificial Intelligence , ganun din ang pagtigil sa giyera sa Iran.
Dagdag pa ng US President na magiging masaya ang mga magsasaka ng US sa pagbisita ng Chinese President subalit hindi na ito nagbigay pa ng detalye.
Inimbitahan naman ng Chinese President si Trump na bumisita sa China.
Sa natitirang buwan taon ay mayroong tsansa na muling magkita sila gaya sa pagdalo nila sa APEC meetings na gaganapin sa China at ang G20 summit sa US.
Malugod naman na tinanggap ni Trump ang imbitasyon naman na ito ni Xi na bumisita sa China.
















