-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ang ginawang press conference ni Senator Rodante Marcoleta sa loob ng Sandiganbayan ay legal.

Ayon kay Jail Superintendent Jayrex Bustinera ang tagapagsalita ng BJMP, na kanilang sinunod lamang ang direktiba mula sa Sandiganbayan.

Bago kasi isagawa ang press conference ni Marcoleta ay dumalo ang Senador sa bail hearing nito sa Sandiganbayan Third Division.

Nahaharap ang Senador sa kasong plunder na may kinalaman sa umanoy P75 milyon na campaign donations na kaniyang natanggap noong ito ay party-list representatives.

Dagdag pa ni Bustinera na nagbigay sila ng seguridad na matapos ang pagpayag ng Sandiganbayan sa hirit na press con ni Marcoleta.