-- Advertisements --

Pumanaw na ang Japanese-Korean actress Yuri Nakamura sa edad na 44.

Kinumpirma ng kampo nito ang pagpanaw ni Yuri Song sa tunay na buhay matapos ang pakikipaglaban sa rectal cancer.

Naging pribado lamang ang ginawang burol at pawang mga malalapit na kaibigan at kaanak ang dumalo.

Ang rectum cancer ay isang paglaki ng cells sa rectum na ilang pulgada lamang ang layo nito sa intestine.