-- Advertisements --
Sugatan ang walong katao matapos ang pagkarambola ng ilang sasakyan sa Lungsod ng Maynila nitong gabi ng Biyernes, Setyembre 11.
Ang mga sangkot ay dalawang bus, dalawang SUV, 2 jeep at isang motorsiklo.
Nagkabanggaan ang mga ito sa intersection ng España at sa panulukan ng P.Noval.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang katawan ang walong katao kung saan pito sa kanila ang dinala sa pagamutan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring aksidente.
















