-- Advertisements --

Umabot sa 96 na mga commercial ships ang natulungan ng US Central Command (CENTCOM) na mag-iba ng ruta.

Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na pag-atake ng Iran sa mga dumadaan sa Strait of Hormuz.

Kasama rin na tinulungan nila ang mahigit 50 na mga barko para sa humanitarian aid.

Ipinapanatili kasi ng Iran na sarado ang malaking bahagi ng Strait of Hormuz kung saan kanilang tinatarget ang mga dumadaang barko doon.

Magugunitang ilang ulit ng nagsagawa ng pag-target ang Iran sa mga dumadaang barko sa nasabing lugar.