-- Advertisements --

Aabot na sa 15 ang napaulat na nasawi dahil sa habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co, dalawa ang naitalang nasawi ng Police Regional Office 1 dahil sa pagkakakuryente at pagkalunod.

Pito naman ang nasawi sa Region 4A dahil sa rockfall o landslide, pagkalunod, pagkakuryente at pagkakatumba ng puno.

Samantala, anim ang naitalang nasawi ng Police Regional Office Cordillera dahil sa landslide.

Kabilang sa mga lugar na naitala ang mga insidente sa La Union, Pangasinan, Rizal, Batangas, gayundin sa La Trinidad, Benguet at Baguio City.

Samantala 13 naman ang injured at anim ang missing.

Mayroong mahigit 3,000 na pulis ang nakakalat ngayon para sa nagpapatuloy na response operations sa mga lugar na apektado ng habagat